‘SURROGATE PREGNANCY’ RAKET NABISTO: 2 PINAY NAHARANG

bianaia12

(Ni FRANCIS SORIANO)

TULUYAN nang naglaho ang malaking kita ng dalawang Pinay na gagawing surrogate mother matapos itong maharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng Inter-Agency Council Against Trafficking ng Bureau of Immigration (BI).

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang dalawang suspek na sina Ria, 32, at Alyas Ellie, 28, na pasakay sana ng Cebu Pacific flight na papuntang Hongkong.

“They immediately confessed during interview that they were actually bound for China where their services as surrogate mothers were engaged for a fee of P300,000,” ani Morente.

Ayon pa kay Morente, naharang ng BI Port Operation Division Chief Grifton Medina at travel control and enforcement unit (TCEU) sa immigration departure area ng NAIA Terminal 3, ang dalawa matapos itong mag-check-in.

Dagdag pa nito na nakipagkasundo ang dalawa bilang surrogate mother kapalit sa halagang P300,000 pataas dahil na rin sa hirap ng buhay.

Samantala, matatandan na noong nakaraang taon ay nasa 32 na kababaihan Pinay din ang hinarang dahil sa kaparehong kaso na papunta sana sa bansang Cambodia para maging surrogate mothers sa isang illegal surrogacy ring para sa mga Chinese clients.

85

Related posts

Leave a Comment