ABSENTEE VOTING UMPISA NA SA SABADO

absentee voting12

(NI BERNARD TAGUINOD)

SISIMULAN na Sabado, Abril 13, ang pagboto ng mga Filipino na nagtatrabaho at nakatira sa iba’t ibang panig ng mundo.

Dahil dito, nagpapaalala ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa may 1.8 milyong overseas Filipino workers (OFWs) na nagparehistro upang makaboto ngayong midterm election, na samantalahin ang pagkakataon para makasali sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa.

Karamihan o mayorya sa mga rehistradong absentee voters ay nakabase sa Gitnang Silangan.

“OFWs are given the chance to vote through the absentee voting, and it is a known fact that the OFW vote is a key figure in the counting for the polls. We hope our migrant workers are able to find time to join the upcoming elections,” ayon kay ACTs-OFW party-list Rep. John Bertiz III.

Umaasa ang mambabatas na lahat ng mga absentee voters ay makaboboto para sa mataas na turn-out.

Ang mga OFWs ay mayroong isang buwan para makaboto ng mga kandidato sa Senado at party-list ogranization na kakatawan sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong mid-term election.

Tuwing presidential election, kasama ang mga OFWs sa pumipili ng mga kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo bukod sa mga senador at party-list organization.

143

Related posts

Leave a Comment