KANDIDATONG NANAPAK NG ELECTION OFFICER, ‘DI IDI-DISQUALIFY

comelec

(Ni FRANCIS SORIANO)

TALI ang mga kamay ng pamunuan ng Commission on Election (Comelec) para i-disqualify sa pagtakbo si Marty Torralba bilang board member ng lalawigan ng Tarlac matapos nitong sapakin si Teddy Mariano, election officer habang binabaklas ang iligal na campaign poster nito.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez,  kailangan muna ng desisyon mula sa korte bago patawan ng disqualification ang akusadong kandidato kaya hindi sapat na dahilan ang pananapak ni Torralba sa isang election officer para ma-disqualify agad ito sa pagtakbo.

Dahil dito, patung-patong namang kaso ang posibleng kaharapin ni Torralba na miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas.

 

90

Related posts

Leave a Comment