AICS AT TUPAD NG MANILENYO NAHARANG SA RESOLUSYON NI CONG. VALERIANO

ISINISISI sa House Resolution No. 84 na isinampa ni Manila Dist. II Rep. Rolando Valeriano, sa House committee on suffrage and electoral reforms noong July 26, 2022, ang pagkaantala sa pagbaba ng mga ayuda, katulad ng AICS at TUPAD, para sa mga Manilenyo.

Ito rin ang sinasabing nagpahirap sa buhay ng libo-libong Manilenyo dahil sa pagharang at pagpigil sa DSWD-AICS at DOLE-TUPAD, ang tulong-panghanapbuhay sa mga pamilyang naapektuhan ng COVID-19 crisis sa lungsod, ng kapatid ni President Bongbong Marcos Jr. na si Senator Imee Marcos.

Kung hindi umano sa pagharang ni Congressman Valeriano sa proyekto ni Senator Marcos kasama ang DSWD at DOLE, patuloy sana ang pamamahagi ng financial assistance sa mga nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.

Magugunitang si Cong. Valeriano sa patnubay ng Asenso Manileño ay ginamit ang kanyang posisyon bilang kongresista para magsagawa ng Congressional investigation sa ilalim ng House Resolution No. 84, hindi lamang para harangin ang proyektong ayuda ni Sen. Marcos kundi para umano mag-‘power-trip’ kay Atty. Alex Lopez na isang pribadong mamamayan ng Maynila at naging kaisa ni Senator Marcos sa inisyatibong makatulong na makarekober ang mga Manilenyo sa hagupit ng krisis-pangkalusugan sa Maynila.

Sinimulan ng dalawang nabanggit na mga lingkod bayan ang paglalaan ng ayuda noong buwan ng Abril at Mayo ngunit wala nang inaasahang kasunod at malabo nang ituloy dahil sa hakbang umano ng kongresista.

Mistulang sinisiraan din umano ni Congressman Valeriano ang mga politikong nagbaba ng AICS at TUPAD at dinadamay ang DSWD at DOLE sa pagkitil sa karapatang-pantao ng mga benepisyaryo sa ayuda.

Babala ng ilang Manilenyo, hindi lang mga residente ng nasabing lungsod ang maaapektuhan dito kundi buong bansa. Tinawag din itong ‘power-tripping’ ng mga Manilenyo dahil sa kagustuhan anila ni Congressman Valeriano na balikan o resbakan ang mga hindi sumuporta at bumoto kay dating Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na tumakbong presidente at dating Vice Mayor

Honey Lacuna na kanilang kinokontra ang panalo bilang alkalde ng Maynila.
Dahil dito, malinaw anila na si Cong. Valeriano ang naging hadlang upang makuha ng mamamayan ng Maynila ang mga ayuda at tulong gaya ng AICS at TUPAD. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

133

Related posts

Leave a Comment