P29.9-M SHABU HULI SA PDEA DRUG STING

TINATAYANG apat na kilo ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa inilunsad na anti-narcotics operation sa Palawan Zone II, Barangay Divisoria, Zamboanga City kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, nasa 4,400 grams (equivalent to 4.4 kilograms) ng suspected shabu na may estimated market value na aabot sa P29,920,000, ang nasamsam ng PDEA Zamboanga City Office, Regional Drug Enforcement Unit, at NISG-Western Mindanao.

Dakong alas-11:05 kahapon ng umaga, isang buy-bust operation ang inilunsad ng mga tauhan ng PDEA at dito ay nadakip ang sinasabing big time drug dealer na kinilalang si Ashraf Kayzar Ikbala y Julkarim a.k.a “Bhar/Ak,” 40-anyos, may asawa, at residente ng Barangay Tumaga, Zamboanga City.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 and 11 ng Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (JESSE KABEL RUIZ)

53

Related posts

Leave a Comment