(NI NICK ECHEVARRIA)
NAGING emotional si Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde, nang tanungin ng media sa kanyang Testimonial Parade sa Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City, nitong Sabado kung anong legacy ang iiwan nito sa sa panahon ng kanyang panunungkulan.
“I really do not know. Let the people judge me. Hindi ko alam kung ano sasabihin ng mga tao, whatever they will say I will accept. For myself I did everything, I gave my best.” pahayag ni Albayalde.
Si Albayalde, na ika- 22 PNP chief ay nakatakdang magretiro sa November 8 matapos marating ang mandatory retirement age na 56 bilang alumnus ng PMA kung saan ito nagtapos ng cum laude.
Ipinagtataka rin ni Albayalde ang biglang pagdawit sa kanyang pangalan sa isyu ng mga ninja cops sa panahong malapit na ang kanyang retirement.
Samantala iginiit naman ng hepe ng pambansang pulisya sa kanyang magiging successor na ipagpatuloy ang mahigpit na implementasyon ng mga nasimulan ng programa laban sa ilegal na droga at sa pinaigting na internal cleansing sa hanay ng pulisya.
“I hope ang pinaka importante when ikaw ang maging successor ng isang tao especially so if you are the chief or the commander whether it’s the PNP or the AFP the keyword there is continuity.”
Binigyang diin ni Albayalde na hindi sila dapat magkanya-kanya ng programa sa pagpapatupad ng mga proyekto.
Tinukoy din ng heneral na bago siya mag-retiro sa Nov. 8 ay titiyakin nila na mai-institutionalize ang kanilang patrol plan 2030 na naka-sentro sa internal cleansing at discipline sa hanay ng PNP na magsisilbing guide para sa susunod na PNP Chief.
214