Alok ni PDuterte P2-M SA ULO NG TOP NPA COMMANDERS

NAG-ALOK ng P2 million reward o pabuya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa indibiduwal na makapapatay o makapagtuturo sa hideout ng top New People’s Army (NPA) commanders.

“Kapag nakapatay kayo ng commander, nakaturo kayo kung saan natutulog iyong commander, sabihin niyo sa akin. P2 million ang reward ‘pag top commander,” ayon kay Pangulong Duterte.

Inulit ng Pangulo na “P2 million kung sino makaturo sa Army o police. Kung commander na mabigat, may hati ka diyan sa pera.”

Sinabi ng Chief Executive na ang recipient ng pabuya ay kaagad na aalisin sa kanyang bayan para sa ligtas na kadahilanan.

“Alisin kita sa lugar mo. Kung taga Abra ka, ihatid kita sa Mindanao. Sa mga Ilocano, bigyan kita ng lupa. Kasi kung hindi, papatayin ka talaga,” ani Pangulong Duterte.

“You will have a new identity, like you are under the Witness Protection Program (WPP). It need not be under the WPP, but I will order that you will be treated as someone under WPP,” dagdag na pahayag nito.

Kinutya naman ng Pangulo ang komunista dahil sa itinutulak nitong land reform sa katuwirang maraming lupain ang available.

“Putris na NPA ito. Marami ang lupa. Sige ako ng land reform, bigay ng lupa. ‘Di kailangan magpatayan sa land reform,” diing pahayag ni Pangulong Duterte. CHRISTIAN DALE

69

Related posts

Leave a Comment