(NI BETH JULIAN)
HINDI kalakihan ang pondong maiaambag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law.
Sa katunayan, sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na hindi hamak na mas malaki ang pondong manggagaling sa package 2 plus ng TRAIN Law para gamitin sa UHC.
Paliwanag ni Lambino, nasa 1.2 percent o halos P3 milyon lamang ng kabuuang P257 billion na pondong kailangan para sa UHC ang manggagaling lamang sa PCSO.
Ang package 2 plus ang siyang may malaking maiaambag para sa UHC na tinatayang nasa
P15.8 bilyon sa unang taon ng implementasyon nito at P111.5 bilyon sa susunod na limang taon.
Ayon kay Lambino, mahalaga na maipasa ng Kongreso ang package 2 plus ng TRAIN Law o ang dagdag na buwis para sa mga produktong nakalalasing at e-cigarette.
Pangunahing layunin ng UHC program na pagandahin ang public medical facilities, makapagpatayo pa ng mas maraming ospital lalo na sa mga malalayong lugar at makakuha at makapagsanay ng mas maraming doktor at nurse.
Lalawakan na rin ang PhilHealth coverage para sa mga Fiipino at gagawing libre ang mga consultation at laboratory fees at iba pa.
313