ANGELICA, GUSTO NANG MA-MEET SI ‘MR. RIGHT’

(NI ASTER AMOYO)

ALTHOUGH dinenay ni Angelica Panganiban na may relasyon sila ngayon ng ex-boyfriend ni Ryza Cenon na si Cholo Barretto liban sa pagiging magkaibigan lamang, may mga nagsasabi naman na mukhang may katotohanan ang “affair” ng dalawa ngayon.

Pero kung ito’y totoo, wala naman sigurong magi­ging sagabal dahil pareho silang single and unattached ngayon.
Hindi natuloy ang muling pagbabalikan nina Angelica at ex-boyfriend nitong si Carlo Aquino habang si Cholo na pinsan ni Julia Barretto ay hiwalay na sa dating Kapuso actress na si Ryza na isa na ngayong Kapamilya.

Sina Angelica at Cholo ay nakitang magkasama sa isang picture na kuha sa swimming pool ng Bayud Boutique Resort in Siargao Island pero kasama nila ang iba pa nilang showbiz friends including Zanjoe Marudo. At 32, gusto na rin ni Angelica na makatagpo ang kanyang ‘Mr. Right’ at bumuo ng sariling pamilya balang araw. Si Angelica ay matagal na naging kasintahan nina Derek Ramsay at John Lloyd Cruz.

‘My two sons are my inspiration and my best friends’ – Teresa Loyzaga

Over dinner at Mesa in Tomas Morato in Quezon City ay matagal kaming nagka-chikahan ng singer-actress-painter na si Teresa Loyzaga a few days ago. Naikuwento nito sa akin na tinalikuran niya ang kanyang high-paying job bilang flight stewardess ng Qantas Airways in Australia to join his two sons in Manila na naunang bumalik ng Pilipinas.

Teresa’s eldest son sa kanyang ex-husband na si Arnold Dizon ay si Joseph “Sepi” Dizon habang ang kanyang bunso ay ang young actor na si Diego Loyzaga na anak naman niya sa actor-director na si Cesar Montano.
Although Teresa is not closing her doors to a new love, mas gusto niyang kasama ngayon ang dalawa niyang anak na pareho pang single.

“I want to enjoy them habang wala pa silang sariling pamilya,” pahayag ni Teresa.  “They are my inspiration and my best friends,” aniya.

Her son Diego might resurface again in showbiz pero sa ngayon ay nag-e-enjoy umano ito sa kanyang private life matapos magbakasyon sa ibang bansa. Plano rin umano nitong bumalik sa kanyang pag-aaral at magdirek balang araw. Teresa shared to us na marami rin umano siyang ups and downs sa kanyang personal na buhay but that made her a stronger and better person that she is today.

Si Teresa ay isa sa limang anak ng namayapang basketball icon na si Carlos `Caloy’ Loyzaga.  Ang dalawa niyang elder brothers na sina Chito at Joey Loyzaga ay parehong sumunod sa yapak ng kanilang ama pero pareho na rin silang retired sa paglalaro ng basketball. Joey and his family are now based in Australia habang nasa Pilipinas naman si Chito and his family.

Ang youngest sister nila ay si Bing Loyzaga, ang misis ni Janno Gibbs, and they have two daughters na sina Alyssa at Gabby.  Ang isa pang elder sister ni Teresa na si Princess ay naka-base din sa Australia kung saan namalagi si Teresa at ang kanyang dalawang anak sa loob ng 17 taon.

“I still keep  my house in Perth (Australia),” ani Teresa who loves gardening and painting at  their ancestral house in Antipolo.

“Pero kapag may work, we stay in our rented place in Quezon City,” she says.

Since nagtapos ng culinary ang kanyang eldest son na si Sepi, plano umano nitong magtayo ng restaurant business balang araw.

 

133

Related posts

Leave a Comment