AMBUSH SA HUKOM HILING MAHAWAKAN NG DOJ

HINILING ni Chief Justice Diosdado Peralta na magkaroon sila ng kapangyarihan na imbestigahan ang pagpatay sa mga tauhan ng korte at kasuhan ang mga nasa likod nito.

Ito ay matapos ang pagpatay kay Judge Mario Bañez na inambus dahil sa umano’y mga kasong may kinalaman sa droga na nakabimbin sa sala nito.

Naniniwsala si Peralta na posibleng ang ambush kay Bañez ay dahil sa mga drug case imbes na sa isyu ng pag-abswelto sa isang aktibista na may hiwalay na kaso.

Isang drug lord umano ang inabswelto ng hukom at nagkaroon ito ng mga banta sa kanyang buhay dahil sa droga.

Noong nakaraang buwan ay inabswelto rin ng hukom si Rachel Mariano, coordinator ng Community Health Service and Training sa Cordillera Region, na inakusahang utak sa pagpatay sa mga sundalo.

Pero sinabi ni CJ Peralta na hindi ang pagpatay kay Mariano ang dahilan at naka-sentro umano ngayon ang imbestigasyon sa pagbasura sa isang drug case habang ang isa pang kaso ay nakatakdang na ma-terminate.

409

Related posts

Leave a Comment