AMLC, BOC SANIB-PWERSA KONTRA TERROR FUNDING

ALINSUNOD sa probisyong kalakip ng kontrobersyal na Anti-Terror Law, isang bagong tanggapan ang nilikha ng dalawang pangunahing ahensya pamahalaan sa hangaring kapunin ang pagpasok sa salaping ginagamit sa paghahasik ng terorismo kontra gobyerno.

Sa isang pulong sa pagitan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Bureau of Customs (BOC), bumalangkas din ng mga mekanismong inaasahang susugpo sa pagpasok ng pondo sa mga teroristang grupo.

Sa pinag-isang pahayag nina AMLC Executive Director Matthew David at Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, nakalatag na rin ang mga mga mekanismong susugpo sa money laundering at mga eskimang ginagamit sa pagpapasok ng salaping panusttos ng mga terorista.

Ani Ruiz, dalawang BOC-AMLC Coordinating Centers na tatauhan ng mga BOC personnel ang agad na itinaguyod sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa BOC Central Office bilang pambungad na hakbang.

Pagtitiyak naman ni David, babahagian ng kaalaman at kasanayan ang mga BOC personnel na itinalagang deputized AMLC financial investigators sa larangan ng pagtukoy ng mga kaduda-dudang pagpasok sa salaping ipinupuslit sa mga pasilidad tulad ng daungan at paliparan.

Dagdag pa ni David, magsasagawa rin ang kanyang tanggapan ng mga workshops para sa mga diputado, sa hangaring palakasin pa lalo ang tinawag niyang “joint money laundering investigations” para sa mas malakas na asuntong ihahain naman sa Department of Justice (DOJ). (JESSE KABEL)

107

Related posts

Leave a Comment