AMNESTIYA SA MGA REBELDE SUPORTADO NG DOJ

SUPORTADO ng Department of Justice (DOJ) ang pagkakaloob ng amnesty ng pamahalaan sa mga rebelde at insurgent sa bansa.

Nakasaad sa statement ng DOJ, ang mga pinalabas na Executive Order (EO) No. 47, na nag-aamyenda sa EO No. 125 at nag-update sa tungkulin ng National Amnesty Commission (NAC), ay isang hakbang tungo sa pangmatagalang kapayapaan.

Sa naturang statement, makikipagtulungan ang DOJ sa NAC para sa pagproseso ng mga aplikasyon ng amnestiya alinsunod sa proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kabilang sa mga amnesty proclamation ang 403, 404, 405 at 406 na pinalawig sa mga miyembro ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB), mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF).

Nilinaw ng DOJ na ang mga proklamasyong ito ay nagkakaloob ng amnesty para sa mga ginawang krimen sa pagsusulong ng kanilang paniniwala sa pulitika at hindi sa mga karumal-dumal na krimen.

Hindi kasama sa amnesty ang mga karumal-dumal na krimen gaya ng kidnap for ransom, massacre, rape, terrorism at iba pang paglabag sa karapatang-pantao.

“We will work tirelessly to ensure that the amnesty process is fair, transparent, and respectful of the rights of all parties involved…

We believe that this historic move by President Marcos will usher in a new era of peace and reconciliation in the Philippines, and the DOJ is committed to supporting this initiative,” ayon sa statement.

(JULIET PACOT)

125

Related posts

Leave a Comment