AÑO SA JOLO TWIN BLAST: CASE CLOSED

SEC EDUARDO AÑO

Maituturing ng case solved na ang mga pagsabog sa Jolo, Sulu dahil sa pagsuko ng 5 pangunahing sus-pek, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año..

Ayon kay Año, nasa kustodiya na  ng pulisya at kilala na ang mga nagpasabog at simampahan na ng kaukulang kaso.

Nahaharap ngayon ang 5 suspek sa 23 counts ng murder, 95 counts ng frustrated murder at damage to property.

Sinabi rin ng naturang opisyal ng DILG na patuloy ang pagtugis sa iba pang kasabwat ng 5 suspek.

Kinumpirma rin ng kalihim na nasa likod din ng pagbomba ang mag-asawang Indonesian na hanggang sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakilanlan.

74

Related posts

Leave a Comment