ANTAS NG TUBIG SA ANGAT DAM NADAGDAGAN NI ‘URSULA’

angatdam77

BAHAGYANG napataas ng bagyong Ursula ang antas ng tubig sa Angat Dam, ang pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila.

Hanggang nitong Huwebes, ang antas ng tubig sa Angat Dam ay nasa 199.40 meters, mataas sa 198.70 meters sa nakalipas na dalawang araw.

Gayunman, hindi pa rin sapat ang ibinuhos na ulan ni Ursula na dapat sana ay nasa 212 meters.

Nauna nang inaasahan na makukuha ang normal na antas ng tubig sa Angat Dam sa mga darating na pag-ulan upang makatulong sa panahon ng tag-init sa Marso. Subalit, sinabi ng Pagasa na si Ursula na ang posibleng huling bagyo na papasok sa bansa ngayong taon.

Pitong beses nag-landfall ang bagyo sa ilang bahagi ng Visayas at Luzon noong Disyembre 24 at 25 kung saan naitala ang 22 patay at milyun-milyong ari-arian ang napinsala kasama na ang Kalibo airport.

 

209

Related posts

Leave a Comment