ANTI-INSURANCE FRAUD UNIT VS PHILHEALTH

gordon12

(NI NOEL ABUEL)

IPINANUKALA ng isang senador na bumuo ng isang anti-insurance fraud unit sa National Bureau of Investigation (NBI) na sesentro sa pag-iimbestiga sa lahat ng transaksyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at sa iba pang ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Senador Richard J. Gordon, chair ng Senate Blue Ribbon Comittee, ang nasabing unit ng NBI ang tanging gagalaw laban sa korapsyon at katiwalian sa Philhealth at sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Sa ginanap na pagdinig ng nasabing komite, nabunyag ang nagaganap na mga katiwalian sa Philhealth ng mga opisyales nito.

Giit ni Gordon, ang nasabing unit ay paglalaanan ng pondo para maging matagumpay sa paghahanap ng ebidensya laban sa mga tiwaling tauhan ng Philhealth.

“Lalakihan natin iyon kung saka-sakali at lalagyan ng budget sapagkat kailangang bantayan ang PhilHealth ng talagang mga magagaling na imbestigador. Dapat nakatutok iyan diyan,” aniya.

Ang mga impormasyong makukuha umano ng anti-fraud unit ay makukuha sa ilang ahensya ng pamahalaan tulad ng Philippine Statistics Authority (PSA), Social Security System (SSS) at ang Philippine Veterans Office (PVAO).

“Lahat ng may sakit na Pilipino, apektado diyan. Kung talagang kailangan ng tulong sa ospital, iyan ang hinahabol nila. Kaya nga inilagay iyan para nang sa ganoon, matulungan natin ang mga kababayan natin na hirap at nagpipighati. At tandaan po natin na walang mamamayan ng Pilipinas ang dapat maging mahirap nang dahil lamang sa kanilang sakit. Ang vision ng PhilHealth ay bawat Pilipino, miyembro. Protektado dapat ang kalusugan ng lahat at ang benepisyong pangkalusugan ay sapat at de kalidad,” sabi ni Gordon.

 

182

Related posts

Leave a Comment