ANTI-TERRORISM BILL, ‘DI PA NABABASA NI PDU30

duterte12

PINAG-AARALAN pa ng Office of the Executive Secretary (OES) ang isinumite sa Malakanyang na anti-terrorism bill ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, bagamat nasa Malakanyang na ang panukalang batas, hindi pa rin ito naita-transmit sa lamesa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito marahil aniya ang dahilan kung kaya’t hindi pa nakapagdedesisyon si Pang. Duterte kung ibi-veto o lalagdaan nito ang anti-terrorism bill.

Sinabi ni Sec. Roque na posibleng may hinihintay si Pang. Duterte na mga paglilinaw mula sa mga mambabatas partikular na kay Sen. Panfilo Lacson hinggil sa anti-terrorism bill na naisumite na sa Malakanyang noong nakalipas na linggo. CHRISTIAN DALE

72

Related posts

Leave a Comment