APELA NG GMA-7 VS TALENT EMPLOYEES IBINASURA

court22

(NI TERESA TAVARES)

IBINASURA ng Court of Appeals (CA)  ang apela ng GMA-7 network laban sa desisyon ng National Labor Relations Commission (NLRC) na nagdi-deklarang mga regular employee ang mga tinaguriang “talent” employees ng Kapuso network.

Sa 19-pahinang desisyon ng CA Special 14 division, iginiit ng appellate court na tama ang pasya ng NLRC dahil maliwanag na mayroong employee-employer relationship.

Batay sa desisyon, kapag ang trabaho ay mahalagang bahagi sa negosyo ng kumpanya at ang mga manggagawa nito ay wala ng ibang pang kumpnayang pinagtatrabahuan, sila ay maituturing na mga regular na empleyado ng pinagsisilbihang kumpanya.

Sa desisyon ng CA, binigyang bigat din nito ang pahayag ng mga talent ng GMA-7 na bahagi ng kanilang kontrata sa kumpanya ay ang exclusivity clause na nagbabawal sa kanila na magserbisyo sa ibang kompanya.

Dagdag pa ng CA, ang employer-employee relationship ay masusukat sa apat na batayan kabilang ang pagpili at pakikipag-ugnayan ng empleyado, ang pagpapa-sweldo, ang kapangyarihan sa pagsibak ng empleyado at ang kapangyarihan ng employer na kontrolin ang empleyado sa paraan kung paano maisasakatuparan ang trabaho nito.

168

Related posts

Leave a Comment