TANTANAN NA NATIN SINA MAINE AT ARJO!

meng22

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

GULONG- GULO na ang netizens at nagtatalu-talo dahil sa lumabas na sweet photo nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa social media na screengrab mula sa Facebook post ng isang nagngangalang Gil Quilong.

Kasunod nito ang paglabas ng isang video kung saan nagsasalita ang kapatid na lalaki ni Maine tungkol sa regalong singsing para sa Philippine Sweetheart.

Hindi naman tinumbok kung para kanino ang singsing pero obvious namang galing kay Arjo ang singsing para kay Maine na hindi lang madiretso ng utol ni Maine.

So para saan ang singsing? Friendship ring lang ba ito o engagement ring na? Ano ba talaga Arjo?

Going back sa post ni Gil Quilong, ito raw ang private account ni Maine sa Facebook. Pinagpipiyestahan ngayon ang ipinost niyang picture na sweet na sweet at magkayakap sina Arjo and Maine at pinagtatalunan ngayon ng fans ay kung real ba o photoshopped ang larawan.

Naniniwala ang marami na totoo ang picture since private account ito ni Maine.

Iisa lang naman ang gustong ipahiwatig ng naglabas ng picture na ito eh: Wake up call na ito para sa AlDub Nation na tanggapin ang katotohanang may ‘something’ na talaga sa pagitan nina Arjo at Maine at wala sa eksena si Alden Richards.

Kaya niretoke man o totoo ang mga pictures nina Maine at Arjo, the fact remains na together na masaya ang dalawa kaya tantanan na natin sila.

88

Related posts

Leave a Comment