AQUINO KAY SANTIAGO SA NINJA COPS: MAY NAGAWA KA BA?

(NI KOI HIPOLITO)

SINAGOT ni Philippine Drug Enforcement Agency  (PDEA) Director General Aaron Aquino ang sinabi ni dating PDEA Director General Dionisio Santiago na dapat siyang magbitiw sa puwesto dahil sa kontrobesiya ng mga ninja cops.

Dahil dito tinanong ni Aquino si Santiago kung ano nga ba ang nagawa nito nuon kapanahunan niya sa ahensiya tungkol sa mga ninja cops?

Ayon pa kay Aquino, kanilang inimbestigahan at nagsasagawa rin umano sila ng surveilance and monitoring sa shabu queen na si Guia Gomez-Castro at doon nila nalaman at nadiskubre ang mga personalidad ng mga ninja cops bagay na hindi ginawa ni Santiago sa apat na taon nito bilang dating direktor ng PDEA.

Payo ni Aquino kay Santiago ay dapat na lamang nitong namnamin ang kanyang pribadong buhay at manahimik na lamang dahil hindi umano nakakatulong ang mga pinagsasabi nito (Santiago).

 

127

Related posts

Leave a Comment