(Ni FRANCIS SORIANO)
DAHIL sa naglipanang tambak ng basura na iniwan ng mga deboto sa taunang Alay-Lakad noong Semana Santa ay hindi maiwasan maglabas ng sama ng loob ang isang Arsobispo.
Ayon sa pahayag ni Antipolo Bishop Francis De Leon, naging matagumpay ang naturang aktibidad ngunit hindi ang kalinisan sa kapaligiran, makaraan iwanan na lamang ang mga tambak ng basura sa iba’t ibang lugar bahagi ng simbahan.
Dagdag pa nito na hindi maituturing na isang uri ng pagsasakripisyo ng isang deboto ang pagkakalat sa ibat ibang lugar sa simbahan o sa bansa habang nakikilahok sa naturang aktibidad.
Magugunitang maraming mga basura ang iniwan ng libong deboto na dumalo sa tradisyunal na Alay-Lakad nitong Holy Week.
164