PATAY ang mag-asawa sa Rue Erlanger, southwest Paris, France apartment nang makulong sa makapal na usok sa sumiklab na apoy na umano’y gawa ng isang 40-anyos na babaeng may diperensiya sa pag-iisip.
Kinilala ng mga kaanak ang mag-asawa na sina Francisco at Cresencia Abalos, ng Mangaldan, Pangasinan. Sampung iba pang residente ang namatay at lagpas dosena ang nasaktan.
Ang mga Abalos ay nakatira sa 8th floor ng apartment building nang sumiklab ang apoy, madaling araw ng Martes. Apat pang Pinoy na nakatira sa apartment ang apektado na nakilalang sina Norma Batara at pamangkin na si Sherilyn Batag, ng Isabela at ang mag-asawang Ferdinand at Mary Grace Alcozer.
Dinala na sa pulisya ang babaeng umano’y nanunog ng apartment matapos umanong may makaalitan na okupante ng building.
Sinabi sa report na ang babaeng arsonist ay kalalabas lamang ng pyschiatrict ward at lasing nang dalhin sa presinto. Tinangka din umano nitong sunugin ang kotse malapit sa apartment. Nauna na ring inimbitahan ang suspect dahil sa panununog din noong nakaraang taon ngunit hindi umano ito nakulong.
141