SUNOG SA PASAY: 9 PATAY!

fire6

SIYAM katao kabilang sa dalawang pamilyang okupante sa Maricaban, Pasay ang patay matapos lamunin ng apoy ang kanilang dalawang palapag na bahay Huwebes ng madaling araw.

Bandang alas-2:10 nang sumiklab ang apoy at hindi na umano nagawa pang makalabas ng mga biktima na noon ay mahimbing nang natutulog.

Kinilala ang mga biktimang sina Micheal Calma, 44, John Clark Calma, 17, Mark Joseph Calma, 23, Andrew James Calma, 11, Julius Wablas, 39, Rheadela Wablas, 40, Jhulea Janet Wablas, 16, Nichol Wablas, 9, at Jurick Andrea Wablas, 3.

Ang sunog na katawan ng mga biktima ay nakita sa malapit sa pintuan, sa comfort room, kusina at kwarto.

Nakaligtas naman ang ina na si Jasmin Calma na nagsabing nang makita niyang nagliliyab na ang kabahayan ay agad niyang binasag ang bintana sa second floor ng bahay at tumalon palabas.

Inakala umano niyang kasunod na niya ang asawa at mga anak gayundin ang pamilya ng kanyang kapatid. Huli na umano nang makita niyang nakulong na sa apoy ang buong pamilya.

Ang bahay lamang ng mga Calma ang natupok ng apoy ngunit ang tindi ng pinsalang naidulot sa pagkamatay ng mga biktima. Tumagal ang sunog ng isang oras bago tuluyang naapula.

Tinitingnan naman ng fire department ang anggulong posibleng sa desktop computer nanggaling ang apoy.

135

Related posts

Leave a Comment