ATENEO ‘DI TATANTANAN NG GABRIELA

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI tatantanan ng Gabriela ang Ateneo de Manila University (AdMU) hangga’t hindi nila makakamit ang mga biktima ng sexual harassment na kagagawan umano ng ilan nilang opisyal.

Ito ang pahayag ng Gabriela Youth na kinakatawan ni Rep. Arlene Brosas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa mga kaso ng sexual harassment sa nasabing unibersidad na naging dahilan ng kilos protesta ng mga estudyante at faculty members.

“Gabriela Youth stands with the community of Ateneo De Manila University in its calls to end the culture of impunity and to demand action from its administration,” ayon sa nasabing grupo.

Magugunita na idinaan ng mga biktima sa social media ang kanilang naranasang pang-abusong sexual sa  ilang opisyales ng unibersidad subalit malambot ang pagtugon umano ng AdMU.

Dahil dito, nagsagawa ng kilos protesta ang mga estudyante at faculty members ng AdMU na sinuportahan ng Gabriela Womens Party at hindi umano nila hahayaan na makalimutan na lamang ito.

“When institutions coddle and protect sexual abusers, it leaves its members vulnerable to a cycle of abuse kept in place by institutional impunity. This must end – not through slaps on the wrist or corrective actions that do nothing to address the root of the problem – but through direct, preventive actions from the administration that will put protective measures in place,” ayon pa sa Gabriela Youth.

Nagbabala naman si Brosas sa mga opisyales, hindi lamang ng AdMU, kundi lahat ng unibersidad sa bansa  na masasangkot sa sexual harassment na mahaharap ang mga ito sa mabigat na parusa dahil sa Republic Act (RA) 11313 o “Safe Streets and Public Spaces Act”  na mas kilala sa tawag na anti-bastos law at  Bawal Bastos Law.

Ipinaalala ni Brosas na bukod sa mga kulong ay pagmumultahin din ang mga sangkot sa sexual harassment sa mga educational institution ng mula P100,000 hanggang P500,000.

Napirmahan na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng nasabing batas at inaasahang iimplementa na ito matapos ang 15 araw.

 

126

Related posts

Leave a Comment