(Ni FRANCIS SORIANO)
TUMATAGINTING na $ 85 million ang ipinamahagi ng Australian government bilang development assistance sa Pilipinas.
Ayon sa pahayag ni Australian Ambassador Steven Robinson, ang malaking bahagi ng naturang development aid ay napunta sa bahagi ng Mindanao para sa development ng Mindanao at sa pagsulong sa implementation ng Bangsamoro Organic Law (BOL).
Maliban umano rito ay patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang assistance sa edukasyon para sa mga scholarship ng Filipino youth na sa kasalukuyan ay mayroong 60 Filipino students na nag-aaral sa Australia para sa kanilang masteral, doctoral degrees at halos 12,600 Filipinos na ang nakinabang nito.
Maliban dito ay kanila rin tinitingnan ang maitutulong para maiayos pa ang defense training at technical support sa sandatahang lakas ng Pilipinas.
Matatandang noong 2017, isa ang Australia sa katuwang ng Armed Forces of the Philippines sa pagbibigay ng technical assistance makaraan ipadala ang dalawang AP-3C ‘Orion’ aircraft na siyang ginamit bilang katuwang sa pagkalap ng intelligence surveillance at reconnaissance missions para tuluyang matapos ang sigalot sa Marawi City.
113