BAGONG KASO, REBATE SA MANILA WATER NAKAAMBA

water supply12

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAKAAMBA muli ang bagong kaso na maaaring maging dahilan para pagmultahin muli ang Manila Water dahil sa pagkawala ng tubig bago pa man magbawas ng supply ang National Water Resource Board (NWRB) dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

“We will definitely file another complaint against Manila Water for more rebates for their customers,” pahayag ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate dahil  ilang araw nang walang supply ng tubig umano ang nasabing water concessionaire.

Nabatid sa nasabing grupo na 6 na araw nang walang tubig sa ilang bagong barangay sa Mandaluyong City gayung Huwebes pa umano ang water interruption dahil sa pagbabawas ng supply mula sa Angat dam.

“Based on a Manila Water advisory issued last night Barangka Drive and Barangka Ibaba supposedly have water between 5 a.m. and 2 p.m. But residents say that their water has not returned since it was cut at 3 p.m. last Thursday,” ayon kay Bayan Muna chairman Neri Colmenares.

Sa Barangay Plainview aniya ay hindi na maayos ang supply ng tubig mula noong Biyernes ng nakaraang lingo dahil paputol-putol ang serbisyo ng Manila Water kahit hindi pa nagbabawas ang Angat Dam ng supply sa kanila.

“In Manila Water’s latest advisory they said that the water interruption would be just for 12 hours but Mandaluyong residents have already been experiencing 12 hours of water interruption since March and now in some areas 6 days straight of no water.This is simply horrendous service,” ayon pa kay Colmenares.

Dahil dito, kailangang aniyang panagutin muli ang Manila Water dahil sa kabila ng mga parusang iginagawad dito ng gobyerno dahil sa palpak na serbisyo noong Marso ay patuloy pa ring nagdudsa ang kanilang mga customers.

Magugunita na pinagmulta ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Manila Water ng P1.13 bilyon noong Mayo dahil sa hindi pagsunod sa water concession agreement na kailangang 24/7 ang supply ng tubig kung saan malaking bahagi sa nasabing halaga ay ginamit na rebate sa kanilang mga customer.

Dismayado rin si Zarate na ang problema ngayon sa tubig ay indikasyon na walang seguridad sa tubig sa bansa kahit naisapribado na ang water service.

 

137

Related posts

Leave a Comment