BAGONG PARTY-LIST REPS GINAGAPANG SA SPEAKERSHIP 

congress

(NI BERNARD TAGUINOD)

SINIMULAN nang ‘gapangin” ng tatlong nangungunang kandidato sa pagka-Speaker sa 18th Congress ang party-list congressmen na itinuturing na may pinakamalaking puwersa ngayon sa Kongreso.

Nitong Huwebes ay nagkaroon ng pagtitipon ang mga kinatawan ng mga nanalong party-list organizations noong nakaraang eleksyon sa isang hotel sa Pasig City na dinaluhan ng mga kandidato sa speakership.

Kabilang sa mga dumalo sa pulong sina Marindue Rep. Lord Alan Velasco ng PDP-Laban, Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

Hindi pinalagpas ng mga nabanggit ang pagkakataon dahil bukod sa 61 ang bilang ng mga party-list group ay itinuturing ang mga ito na ‘block vote”.

Ang PDP-Laban ang partidong may pinakamaraming naipanalong kandidato sa katatapos na congressional election dahil umaabot ang mga ito  83 subalit mas malaki pa rin ang party-list group.

“Malaking bagay yan (block vote). You have to remember that party-list group represents many sector and marginalized sectors. Ang sektor na kung minsan naiiwanan kaya masyadong importante ito kaya I took time to go here,” ani Romualdez na nagpaalam na umano kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang intensyong pamunuan ang Kamara sa 18th Congress.

Ganito rin ang opinyon ni Velasco kaya hindi nito pinalagpas ang pagkakataon na makaharap ang mga magiging kinatawan ng 51 party-list group na nanalo noong nakaraang eleksyon.

“Personally, I am excited to be working with our newly elected legislators, not just those from  party list groups, so we can expedite the process and ensure that PRRD’s legislative agenda will be prioritized,” ani Velasco.

Hindi naman nakipag-usap sa media si Cayetano matapos makipagpulong sa mga party-list group.

124

Related posts

Leave a Comment