BAGYONG SARAH LALABAS NG BANSA SA SABADO

BAGYONG RAMON

(NI ABBY MENDOZA)

BAGAMAT lumakas, hindi pa rin magla-landfall ang bagyong Sarah at asahan na sa weekend ay hihina ito at tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa Phillippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nasa kategoryang severe tropical storm na ang bagyo, namataan ito sa Basco, Batanes at kumikilos ito sa bilis na 10 kph, taglay ang lakas ng hangin na 100 kph at bugso na 125 kph.

Sa ngayon ay umiiral ang Storm Signal No 1 sa Babuyan Island at Batanes.

Pinag-iingat ng Pagasa ang mga residente sa Batanes, Babuyan Islands, ibang bahagi ng Cagayan Valley, Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera at Central Luzon dahil sa asahan na magiging maulan ang susunud na 24 oras na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa o landslides.

Ipinagbabawal din na maglayag ang mga maliliit na sasakyang pandagat dahil sa malakas na alon partikular sa baybayin Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Cagayan, Isabela at hilagang Aurora.

 

198

Related posts

Leave a Comment