BAHAGI NG SAHOD NG SOLONS DERETSO SA BATANES QUAKE VICTIMS

congress12

(NI ABBY MENDOZA)

BILANG tugon sa panawagan ni House Majority Leader Martin Romualdez na tumulong sa mga biktima ng lindol sa Batanes, nakatakdang magbigay ng parte ng kanilang sahod ang may 300 mambabatas.

Una nang iminungkahi ni Pangasinan Rep. Deputy Christopher de Venecia na magpaikot ng signature sheet sa mga kongresista kung saan ilalagay kung magkano ang kanilang ido-donate para sa mga biktkma ng lindol sa Batanes.

Sinabi ni House Majority Leader Martin Romualdez na noon pa man ay naging kaugalian na sa Kamara na magkaroon ng fund drive tuwing may tumatamang kalamidad sa bansa.

“This voluntary effort on the part of the congressmen to contribute has been done in the past through salary deduction.The House of Representatives is going full blast in its donation drive to help the people of Batanes. To kick off the campaign, congressmen are donating a portion of their salary as their humble contribution to the relief operations,”paliwanag ni Romualdez kung saan ilan mambabatas umano ang nagpahayag ng kahandaan na magdonate ng mula P50,000 hanggang P100,000.

Samantala tinapos na ng Kamara ang House Resolution 139 na maglalayong pabilisin pa ang pagbibigay ng humanitarian assistance sa mga biktima ng lindol.

Nagpareserba rin ng espasyo sa Kamara, partikular sa South at North Wing Lobby, para sa mga donasyong ibinigay pa ng mga kongresista at kawani ng Kamara.

 

 

 

135

Related posts

Leave a Comment