BALASAHAN SA NAIA NAKAUMANG

duterte32

(NI BETH JULIAN)

KASUNOD ng anunsyong magkakaroon ng balasahan sa pamunuan ng PhilHealth, napipintong magkaroon din ng balasahan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ang pahiwatig ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos madismaya sa mga aberya ng biyahe ng eroplano sa nasabing paliparan.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, ipinarating ni Duterte ang plano nitong pagrigodon sa mga NAIA officials sa ginanap na ika-38th Cabinet meeting, Lunes ng gabi sa Malacanang na inabot ng madaling araw kahapon.

Ayon kay Panelo, inisa-isa ng Pangulo sa Cabinet meeting ang nadiskubreng mga kapalpakan sa NAIA matapos ang ginawa niyang sorpresang pagbisita noong Lunes ng madaling araw.

Sa ginawang inspkesyon ng Pangulo sa NAIA, kinausap nito ang ilang pasahero at personal na humingi ng paumanhin sa mga perhuwisyong dala ng cancelled at delayed flights.

Sinabi ni Panelo na lubhang dismayado ang Pangulo sa mga natuklasan nito sa kanyang isinagawang sorpresang pagbisita sa paliparan.

Batay sa rekord ng MIAA, nasa pitong flights ang nai-divert nitong nagdaang Linggo sa Clark, Pampanga habang 54 na flights ang na-delay bunsod ng red lightning advisory.

126

Related posts

Leave a Comment