BALASAHAN SA PNP NAKAAMBA

NAKAAMBA ang balasahan o galawan ng posisyon sa hanay ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagkakahirang kay PNP Chief PGen Benjamin Acorda Jr. bilang bagong pinuno ng pambansang kapulisan at ang pagreretiro ni dating PNP chief Rodolfo Azurin Jr.

Bukod sa mga magaganap na galawan ay may mga nakatakda ring magretiro sa hanay ng third level o senior PNP officers.

Subalit bago umano magkaroon ng reshuffle ay dadaan muna sa vetting process ang key officers ng PNP hinggil sa kanilang performance.

Ayon kay PNP-Public Information Office chief PCol. Redrico Maranan, layon ni General Acorda na busisiin ang statistics accomplishments ng mga commander ng PNP bago siya magdesisyon hinggil sa pagpapatupad ng panibagong balasahan sa PNP hierarchy.

Layon din nito na matiyak na ang mga susunod na police officers na mapo-promote sa tungkulin ay walang bahid ng katiwalian o pagkakasangkot sa mga ilegal na gawain, lalo na sa kalakalan ng ilegal na droga.

Magugunitang naghain ng kanilang courtesy resignation ang mga senior police officer sa kahilingan ni SILG Atty. Benjamin Abalos kaugnay sa isinasagawang paglilinis sa kanilang hanay laban sa mga tiwali at sangkot sa illegal drug operation.

Subalit karamihan sa third level officers ng Pambansang Pulisya ay nakatakda nang magretiro ngayong taon kaya kinakailangan na agad mapunan ang mga mababakanteng posisyon. (JESSE KABEL RUIZ)

132

Related posts

Leave a Comment