BALIK-ESKWELA PAYAPA

briones12

(NI MARC CABREROS)

BAGAMA’T may ilang gusot, tinayang maayos at mapayapa, sa kabuuan, ang pagbabalik-eskwela para sa Academic Year 2019-2020.

Sa ulat na natanggap ng Oplan Balik Eskwela Command Center sa Bulwagan ng Karunungan sa Central Office ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City, may ilang problema ang sumalubong sa dagsang estudyanteng pumasok.

Kabilang sa problema ang pagsiksikan ng mga estudyante sa mga silid-aralan bunsod nang mataas na enrolment sa ilang paaralan. Bilang  solusyon ay hinati ang shift ng klase: 6 a.m. hanggang 12:20 noon at 1 p.m. hanggang 7.20 p.m.

May ilang paaralan ang nagdaos ng flag ceremony sa loob na mismo ng silid-aralan dahil hindi magkasya sa gymnasium ang sobrang dami ng estudyante.

Mismong si Education Secretary Leonor Magtolis Briones ang nanguna sa flag ceremony sa SignalVillage National High School sa Taguig City.

Naunang inihayag ng DepEd na kanilang pinagsikapan matugunan ang lahat na pangangailangan sa balik-eskwela gaya ng guro, silid-aralan, gamit at pasilidad maging ang supply ng tubig at kuryente.

Habang isinusulat ang balitang ito, matamang na binabantayan ng Inter-agency Task Force ang situwasyon sa mga paaralan sa buong bansa.

Tinaya ng Department of Education na mahigit sa 27 milyon ang dumagsa
sa unang araw ng pasukan.

Samantala, tiba-tiba ang kita ng mga barbero nitong nagdaang mga araw dahil pila balde ang mga batang nagpagupit para sa pagbabalik-eskwela.

Limpak-limpak na salapi naman ang tinubo ng mga negosyanteng nagbebenta ng gamit pang-eskwela gaya ng lapis, notebook at bag gayundi ang mga supplier ng sapatos at uniporme.

Kasabay nito, matamang na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga school supplies at iba pang gamit pang-eskwela.

Kasabay nito, inihirit ng Teachers’ Dignity Coalition sa pamunuan ni Secretary Briones na ipagkaloob sa mga guro ang nararapat nilang sahod at benepisyo upang ganap na maipatupad ng mga huli ang kanilang tungkulin.

“Our teachers play a crucial role in the delivery of education service to every Filipino children. And we believe that if they are provided with the needed assistance and their welfare concerns are being addressed, they can enhance the teaching and accomplish every task with passion, enthusiasm and dedication,” pahayag Benjo Basas,
national chairperson ng TDC.

 

241

Related posts

Leave a Comment