BARANGAY ASSEMBLY PINAGAGAMIT PARA SA BIDA PROGRAM

PINAGAGAMIT sa mga opisyal ng 42,046 barangay sa bansa ang barangay assembly para makakuha ng suporta sa anti-drug campaign ng pamahalaan.

Tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang “Buhay Ingatan, Droga Ayawan” (BIDA) program, isang nationwide anti-narcotics drive na naglalayong labanan ang illegal drugs sa pamamagitan ng pagtuon sa “demand reduction at rehabilitasyon ng komunidad.”

Ani Abalos, kailangan samantalahin ang mga barangay assembly na itinakda ngayong buwan para komprehensibong maipaliwanag ang programa sa kanilang constituents at gawin ng mga tagapagtaguyod ng BIDA.

“Nananawagan tayo na gamitin nila ang Barangay Assembly Day upang mahikayat ang kanilang constituents na maging BIDA advocates at makiisa sa ating laban sa ilegal na droga,” ayon kay Abalos.

Ang assembly para kay Abalos ay isang oportunidad para maipaabot sa komunidad at maipaliwanag ang kooperasyon o pakikipagtulungan na nais maitaguyod ng pamahalaan sa mga ito sa laban sa ilegal na droga.

“Hiling natin na tulungan tayo ng mga kababayan hanggang sa mga barangay upang mas lumakas pa at maging epektibo ang ating kampanya sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon sa mga susunod na BIDA activities,” aniya pa rin.

Sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 2023-032, pinaalalahanan ni Abalos ang local government units na magdaos ng Barangay Assembly Days kada semester gaya ng ibinigay na mandato ng Local Government Code.

“This semester’s Barangay Assembly Day with the theme “B-BIDA KA! Barangay BIDA Ka sa Pagpapatupad ng Kapayapaan, Pangangalaga ng Kalikasan, at Pagpapaigting ng Pagkakaisa Tungo sa Isang Ligtas, Mapayapa, Maunlad at Masaganang Pamayanan, can be held in any Saturday or Sunday of March,” ayon sa DILG.

Maaari rin itong gawing face-to-face o sa pamamagitan ng blended mode (face-to-face and online).

Noong Sabado, ang mga kabataang delegado ay nakiisa sa BIDA summit sa Imus Sports Complex na inorganisa ng Cavite provincial government, DILG, Cavite Police Provincial Office, at Cavite Provincial Advisory Group.

Sa lecture proper, si Pastor Ephraim Segovia, director ng Calabarzon Battle Against Drugs, ay nagpahayag na ang giyera laban sa narcotics o ilegal na droga ay itinuturing na “longest battle” na mayroon ang bansa at patuloy na nilalabanan nito.

Ibinahagi nito ang isang audio-visual presentation ukol sa gory physical effects ng paggamit ng illegal drugs.

Samantala, inulit ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Felicito Valmocina ang magiging ambag ng youth sector upang makagawa ng pagkakaiba sa progreso ng bansa.

Sinabi naman ni Col. Christopher Olazo, Cavite police director, na ang “awareness kits, flyers at posters” ay ipinamahagi sa buong lalawigan habang tinalakay naman sa dayalogo sa “Ugnayan sa Barangay” ang rehabilitation program. (CHRISTIAN DALE)

498

Related posts

Leave a Comment