BASURA KAPALIT NG BIGAS IMINUNGKAHI SA KONGRESO

bigas12

(NI BERNARD TAGUINOD)

UPANG maenganyo ang mga tao na mag-segregate ng basura at hindi na magtatapon kung saan-saan, ipinanukala ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na palitan ng isang kilo ng bigas ang isang kilos ng basurang plastic.

Sa ilalim ng kanyang House Bill (HB) 9170, sinabi ni House deputy minority leader Neil Abayon ng Aangat Tayo party-list na mareresolba ang problema sa basura sa bansa kung may kapalit ang mga basurang itinatapon ng taumbayan.

“It is not enough that we appeal to Filipinos to return their plastic bottles and wrappers, and other solid wastes to redemption centers. The thought of having to go back to the store carrying a load or bags of recyclable solid waste is not an attractive proposition,” ani Abayon.

Dahil dito, naisip umano ng mambabatas na palitan ng isang kilo ng magandang klase  bigas ang bawat kilo ng solid waste tulad ng plastic bottles, wrappers, bags, sachets at iba pa ng itinatapon na lamang kahit saan.

Kapag mga metalic , non-hazardous at recyclable waste tulad ng mga metal canister, electrical at electronic devices, recyclable computers parts at mga kahalintulad nito ay papalitan naman ng 2 kilo ng high quality rice ang bawat kilo nito.

“When Filipino families do their general house cleaning and knowing there are incentives for proper disposal of recyclable waste and junk, they will now set aside the disposables in a large bag or a large and go to the nearest materials recovery facility to exchange their junk and waste for cash or basic goods their families can use,” ayon sa mambabatas.

Hindi sinabi ni Abayon kung saan kukunin ang pondo para dito at magkano subalit ang mangangasiwa umano sa “palit bigas” ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI).

Magtatayo ang mga ahensyang ito ng mga redemption centers sa bawat iba’t ibang lugar sa bansa kung saan ipapalit ng mga tao ng bigas ang kanilang mga naipong basura.

Maaari din umano na pera ang kapalit ng mga dalang basura ng mga tao na katumbas ng halaga ng bigas.

 

159

Related posts

Leave a Comment