TV SHOW HOST, 30 CELEBRITIES MINOMONITOR SA DROGA —  PDEA 

PDEACHIEF 12

(NI LILY REYES)

INAMIN ni  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief,  Director General  Aaron Aquino na  nasa 31 celebrities  ang nasa  drug watch list ng kanilang ahensiya.

“Tama po ‘yun, 31 po sila. Napapanood niyo pa rin sa telebisyon. May mga TV hosts pa nga na nakikita natin dito,” ito ang sinabi ni  PDEA chief Director General Aaron Aquino, sa interview ng GMA-DZBB.

“Mga wholesome pa ang roles nito sa telebisyon and yet itong mga artista na ‘to iba po ang ginagawa ‘pag gabi. Sila pa mismo ang tinutularan ng ating mga kabataan pero kung umorder ng ecstasy, 200 piraso,”  dagdag pa ni Aquino.

Ayon pa rin sa hepe ng PDEA, kailangan  pa ring kumpirmahin  at i-validate ang mga pangalan ng mga personalities na kabilang sa drug watchlist .

“Hindi pa po ito validated. ‘Pag watch list po,’ di pa po validated, ‘di katulad ng PRRD (President Rodrigo Roa Duterte) list, validated na po lahat ‘yan. We still need to confirm, to validate the list…,” paglilinaw ni Aquino,

Inamin din ni Aquino na  sa kasalukuyan  ay nakatuon  ang PDEA  sa pag ba-validate  sa mga pulitikong  sangkot sa illegal na droga.

Napakahaba pa umano ng  panahon na gugugulin para ma-validate  ang 31 na mga celebrities. mga judges at prosecutors  dahil nga naka concentrate pa  ang PDEA sa mga pulitiko.

“Wala pa po kami balak i-validate ngayon ang mga celebrities, judges and prosecutors, siguro ho pagkatapos namin i-revalidate ‘yung mga narco politicians, doon mag-umpisa na rin kaming mag-validate sa  mga tao na ito,” ayon sa PDEA Chief.

Matatandaan na ibinulgar ni Aquino na  nasa 60,000  umano  na mga personalities  ang nasa watchlist  kung saan ay  kabilang sa mga ito   ay mga judges, prosecutors, celebrities  at  mga  miyembro ng media.

 

116

Related posts

Leave a Comment