BATAS KONTRA FOREIGN WORKERS IPINAMAMADALI SA SENADO

chinese22

(NI BERNARD TAGUINOD)

UMAPELA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Senado na ipasa na ang panukalang batas kontra sa mga foreign workers na dagsa ngayon sa Pilipinas.

Ayon kay PBA party-list Rep. Jericho Nograles, naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara noong Nobyembre 11, 2018 ang House Bill 277 para amyendahan ang ilang probisyon sa Labor Code subalit hindi pa ito naipapasa sa Senado.

Sa ilalim ng nasabing panukala, palalakasin ang regulasyon sa pag-empleyo ng mga foreign nationals upang maproteksyunan ang mga manggagawang Filipino na inaagawan ngayon ng trabaho ng mga dayuhan na karamihan ay mga Chinese nationals.

Sa ilalim ng nasabing panukalang ipatutupad na  tinatawag na Labor Market Test (LMT),  lahat ng mga employers na gustong kumuha ng foreign workers ay oobligahin na mag-advertise sa mga bakanteng trabaho sa kanilang kompanya.

“This means that before hiring a foreign national for a certain job posting, an employer must advertise the position and review resumes for more than 30 days, but less than 180 days, prior to filing the application to ensure that there are no other qualified local workers available,” ani Nograles.

Kailangan umanong buksan at unahin ng mga employers ang mga Filipino workers sa mga bakanteng trabaho sa kanilang kompanya at kung hindi susunod sa regulasyon ay mahaharap ang mga ito sa mabigat na parusa.

Papatawan ng multang P50,000 hanggang P100,000 ang employer at foreign worker na lalabag sakaling maging batas ang panukalang ito  at pagkakakulong ng hanggang anim na taon.

Pagmumultahin din ng P50,000 sa bawat taon na pananatili ang isang dayuhan na mapatutunayang nagtatrabaho sa bansa na walang kaukulang papeles bago i-deport ang mga ito.

 

82

Related posts

Leave a Comment