(CHRISTIAN DALE)
AGAD naglabas ng kanilang pahayag sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla para idepensa ang pamahalaan at pabulaanan ang pasabog ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa kanyang ‘war on drugs’.
Isiniwalat ni Duterte na talamak na naman ang drug-related crimes sa bansa.
”It is unfortunate that drug-related crimes are on the rise again. Everyday, you can read about children being raped, people getting killed and robbed, and just recently a drug den was raided within the Malacañang Complex,” ani Duterte sa Senate hearing.
”This clearly manifests that purveyors of this menace are back in business,” dagdag na wika nito.
Kaagad naman itong pinalagan ng Malakanyang.
Sa kalatas na ipinalabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi nito na “With due respect to former President Rodrigo Duterte- there is no truth to his statement that crime remains rampant in the country”.
Sa katunayan aniya, makikita sa statistics mula Philippine National Police (PNP) ang ganap na kabaligtaran. Mayroon aniyang malawakang pagbaba sa krimen sa iba’t ibang panig ng bansa.
“Moreover, we have achieved stability and maintained peace and order in our country without foregoing due process nor setting aside the basic human rights of any Filipino,” ang sinabi ni Bersamin.
Idagdag pa rito, ang insidente aniya na sinasabi ni Pangulong Duterte hinggil sa drug raid sa San Miguel, Manila- ay base sa outdated information. Sa nasabing kaso, isang suspek ang inaresto, ang dala nitong drug paraphernalia ay nakumpiska at ang kasabwat nito ay patuloy na hinahabol ng mga tagapagpatupad ng batas.
Ipinapakita lamang ayon kay Bersamin sa lahat ng ito, ang bansa ay ligtas, secure ang mas maraming Pinoy at ang hinaharap ay “more assured than ever before” sa ilalim ng pamamalakad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.”
Samantala, pinabulaanan naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang alegasyon ng dating pangulo, sabay sabing ang ‘peace and order situation’ sa bansa ay naging maayos.
“With utmost respect for former President Duterte’s leadership, we believe that his perception of an escalating crime rate does not reflect the reality supported by concrete data,” ani Remulla.
“The peace and order situation remains a top priority for the Marcos Administration, and we are committed to assuring the Filipino people that our nation is on a path toward greater stability and security,” ayon pa sa Kalihim.
Sinabi pa niya na ang mga sinabi ni Duterte ay taliwas sa data na ibinigay ng Philippine National Police (PNP).
Sa katunayan, base sa report ng PNP, sinabi ng Justice Department na ang naitalang krimen ay bumaba ng 10.66% o 324,368 mula July 2022 hanggang January 2024 mula 363,075 krimen na naitala sa pagitan ng December 2020 hanggang June 2022.
Bukod dito, makikita rin sa data na mayroong pagbabago sa pito mula sa walong ‘focus crimes’ sa bansa, kabilang rito ang kaso ng panggagahasa, rape, physical injury, robbery, murder, car napping, at homicide.
Winika pa ng DOJ na tanging ang theft cases lamang ang tumaas ng 4.79%.
83