BI EMPLOYEES SANGKOT SA HUMAN SMUGGLING

bianaia12

(Ni FRANCIS SORIANO)

HUMINGI ng tulong ang Bureau of Immigration (BI) sa Department of Justice (DoJ) sa isasagawang imbestigasyon sa mga tiwaling BI personnel na nakadestino sa mga paliparan makaraan isangkot ang mga ito sa korapsyon at human trafficking.

Ayon kay  BI Commissioner Jaime Morente, sunud-sunod na ulat ang kanyang natatangap na reklamo laban sa ilang tauhan ng BI-Port Operations Division employees.

“We suspect that other agencies may be included in this complaint as well, as anti-trafficking efforts is a shared responsibility of all members of the Inter-Agency Council Against Trafficking,”  ani Morante

Dagdag pa nito na ang maari lamang gawin ng kanilang Board of Discipline ay magrekomenda ng kaukulang aksyon sa DoJ na siyang may kapangyarihan sa pagsibak sa mga empleyadong sangkot sa kontrobersiyang ito.

76

Related posts

Leave a Comment