PINANGANGAMBAHAN ang rotational brownout sa ilang bahagi ng Luzon sa dalawang magkasunod na araw dahil umano sa kawalan ng sapat na power reserves, ayon sa Meralco.
Isa hanggang dalawang oras mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa bawat area ang posibleng mangyari sa mga consumuers. Ilalathala din umano sa social media pages ang mga lugar na apektado.
Inaasahang ngayong Huwebes ang peak demand sa Luzon sa 10,607 megawatts sa available capacity na 10,761 MW at reserve na 154 MW.
Nanawagan naman ang ahensiya sa publiko na magtipid sa kuryente upang makatulong upang huwag nang mabawasan ang pagnipis ng supply ng kuryente.
318