BI NAGHIGPIT SA PAPASOK NA DAYUHAN

BI 100

HINIGPITAN ng Bureau of Immigration (BI) ang security check sa mga dayuhang papasok ng bansa matapos ang serye ng pambobomba sa Mindanao.

“Asahan na ang maraming tanong para papasok na mga persons of interest,” sabi ni bureau spokesperson Dana Sandoval.

Gayong magsasagawa ng interogasyon, hindi naman umano ito sagabal at makapagdudulot ng mahabang pila sa immigration counters dahil ipatutupad pa rin ang 45-second rule.

“Ang isang passenger po kapag ina-assess ng mga immigration officer mayroon pong 45 seconds lamang to assess. ‘Pag po may karagdagang questions at nakita po na ang taong ito ay isang person of interest, siya po ay nire-refer for secondary inspection upang hindi naman po makaantala sa pila,” sabi ni Sandoval.

Sinabi pa nito na ikinalat na rin ang immigration intelligence agents sa buoang bansa partikular sa Mindanao upang i-monitor ang mga dayuhang terorista na nagkunwang turista sa bansa.

16

Related posts

Leave a Comment