PEKENG ANTI-RABIES VACCINE KINUMPISKA NA NG FDA

fakedrug

TINIYAK ng Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DoH) na kukumpiskahin at ipatitigil ang distribusyon ng mga pekeng anti-rabies vaccine na Verorab vaccine.

“Ititigil naming ang distribusyon ng mga pekeng bakuna,” paniniyak ni Atty. Michelle Lapuz, director ng legal support service center ng FDA.

Sinabi ni Lapuz na nakatanggap sila ng reklamo mula sa Medical City sa Pasig City kung saan peke ang mga anti-rabies.

Inimbestigahan umano nila ang sample at napatunayang peke ang mga ito.

“Ang pinagmulan ng complaint from The Medical City. Inihain nila sa amin yung third party complaints. Nag-submit po sila ng samples ng produkto nito na pinaghihinalaan nila counterfeit,” sabi ni Lapuz.

Kinumpirma rin ng Market Authorization Holder na ang mga bakuna ay hindi rehistrado sa ilalim ng kanilang product line.

“Nakipagsangguni rin kami sa market authorization holder para i-verify kung counterfeit ang mga products na ito.

Nabatid din na ang vaccine samples ay peke at galing sa Pilipinas.

“Dito sa aming operation, ang source po talagang dito sa Philippines,” sabi pa nito.

Idinagdag ni Lapuz na hindi sila makapagbibigay ng kritikal na impormasyon hinggil sa imbestigasyon.

Tinanggal na rin ang mga stock ng anti-rabies vaccine sa Medical City.

8

Related posts

Leave a Comment