BIDDING PROCESS SA GAMING OPERATIONS NASA KAMAY NG DBM, DOJ

(NI BETH JULIAN)

IPINAUUBAYA na ng Malacanang sa kakayahan nina Justice Secretary Menardo Guevarra at Budget and Management  acting Secretary Wendel Avisado ang pangangasiwa sa bidding process ng gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na iginiit na hindi itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ito sa kanyang Gabinete kung walang sapat na karanasan at kaalaman.

Una nang sinabi ng Pangulo na kanyang pag-aaralan na ilipat sa Office of the President ang pangangasiwa ng operasyon ng keno, Small Town Lottery (STL) at peryahan ng bayan dahil umano sa mga tinanggap nitong sumbong kaugnay sa katiwalian.

Nauna na ring ipinatigil ng Pangulo noong Hulyo 26 ang lahat ng gaming operations ng PCSO dahil sa umano’y katiwalian sa ahensiya pero makalipas ang apat na araw ay ipinabalik niya ang operasyon ng lotto lamang.

Noong nakaraang linggo nang iluklok ng Pangulo si Avisado sa DBM.

 

136

Related posts

Leave a Comment