‘BIG FISH’ NAKALIGTAS SA PHARMALLY SCAM

“WHY were the big fish excluded from liability in Pharmally scam?”

Ito ang tanong ni House deputy minority leader France Castro dahil wala ang pangalan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte, dating Health Secretary Francisco Duque at dating presidential economic adviser Michael Yang sa inimbestigahan ng Office of the Ombudsman.

“Bakit ganun, parang may sacred cow?,” ayon pa sa kinatawan ng ACT party-list dahil ang tanging malaking isda na pinatawan ng 6 buwang suspensyon ay si Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong at Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao na namuno sa PS-DBM o Procurement Service-Department of Budget and Management.

“Dapat ay isinama ng Ombudsman ‘yung mga nasa likod talaga ng Pharmally mess at di lang ang mga foot soldiers,” ayon sa mambabatas.

Nauna rito, 33 dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Health at PS-DBM ang pinatawan ng tanggapan ng Ombudsman ng anim na buwang suspensyon kaugnay sa kontrobersyal na Pharmally deal.

Pruweba ito na hindi kasama sina Duterte, Francisco at Yang sa inimbestigahan ng Ombudsman gayung sila, lalo na ang dating Pangulo, ang koneksyon ng Pharmally na nabigyan ng P11 billion kontrata kahit P625,000 lamang ang puhunan ng nasabing kumpanya.

Hindi rin kuntento ang mambabatas sa 6 buwang suspensyon na inisyal na parusa ng Ombudsman sa mga sangkot sa maanomalyang pagbili ng medical kits sa kasagsagan ng pandemya sa COVID-19 lalo na’t inutang lamang ang perang ito at babayaran ng mga Pilipino sa mahabang panahon.

Kaugnay nito, tila bitin din si Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa parusang suspensyon dahil nais nitong matiyak na mapapanagot ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa kontrobersyal na kontrata ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical.

Hinikayat din ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na dapat tutukan pa ring mabuti ang paggulong ng kaso laban sa 33 opisyal na nasasangkot sa Pharmally controversy.

Kasabay ng kanyang papuri sa Ombudsman, sinabi ni Pimentel na ang suspension order ay naglalayon lamang na maiwasang maimpluwensyahan ng mga opisyal ang investigation at case build up.

Ipinaliwanag ni Pimentel na dahil hindi pa ito maibabatay sa merito ng kaso ay kailangang matutukan pa rin ang paggulong ng imbestigasyon hanggang tuluyan nang magkaroon ng pinal na desisyon.

Ikinatuwa naman ni Pimentel ang impormasyon na itinuturing ng Ombudsman na seryoso ang mga alegasyon at credible at sapat ang mga inisyal na ebidensya. (BERNARD TAGUINOD/DANG SAMSON-GARCIA)

142

Related posts

Leave a Comment