‘BIKOY’ MAY KASABWAT; KREDIBILIDAD WASAK — PANELO

panelo15

(NI BETH JULIAN)

NANINIWALA ang Malacanang na may kasabwat si Peter Joemel Advincula para sirain ang pamilya Duterte.

Ito ang reaksiyon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, matapos lumutang sa Integrated Bar of the Phippines (IBP) si Advincula na nagpakilalang si alyas Bikoy.

Gayunman, ayon kay Panelo, tila hindi namamalayan ng IBP na nagagamit sila ng  isang manloloko sa katauhan ni Advincula.

Giit pa ng opisyal, sumingaw ang baho ni Advincula matapos mabatid na marami itong criminal records tulad ng large scale estafa, illegal recruitment at pagnanakaw.

Ito ay patunay lamang na kuwestyunable ang kredibilidad ni Advincula.

 

138

Related posts

Leave a Comment