CALLING NBI AT PNP!

PRO HAC VICE

Arestuhin at imbestigahan na si Peter Joemel Advincula alyas  Bikoy hindi dahil sa pagpapakalat ng video ng “ang totoong  narcolist” kung hindi dahil sa kanyang pag-amin na siya ay sangkot sa illegal drug trading!

Sabi sa akin ng isang mataas na opisyal ng Department of Justice na sapat na ang pahayag ni Advincula noong hapon ng Lunes na may paglabag ito sa isinasaad ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 makaraang aminin nito na kasama siya sa nagtatara o nagbibigay ng protection money sa ilang personalidad para sa kanilang illegal drug trading.

Dapat din aniyang imbestigahan ng awtoridad ang sinasabing amo ni Advincula sa Vitaplus na nakaprangkisa sa first quadrant multilevel marketing company na itinuro ni Advincula na siyang nag-utos sa kanya upang i-monitor ang kanilang ilegal na gawain sa Misibis Bay sa Bicol.

Kaya mga kuyang sa National Bureau of Investigation at Philippine National Police, ang DOJ na ang maysabi na maaari nang arestuhin si Advincula kaya kilos na!

Kaugnay nito’y pinayuhan naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Advincula na kung talagang may hawak itong mga ebidensya ay dapat na itong magtungo sa NBI upang isampa ang kanyang reklamo laban sa sinasabi nitong sindikato ng ilegal na droga.

Kahapon ipinag-utos din ni Acting Prosecutor Gene­ral Richard Anthony Fadullon matapos na aprubahan ang inquest resolution ni Senior Assistant State Prosecutor Ana Noreen Devanadera na isampa na sa Parañaque City Regional Trial Court ang kasong inciting to sedition laban kay Rodel Jayme na nagmamay-ari ng website na MetroBalita.com na pinagmulan ng Bikoy’s video na may pamagat na “ang totoong narcolist” na nag-uugnay naman sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama si dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa illegal drug trading sa Davao.  (Pro Hac Vice / BERT MOZO)

103

Related posts

Leave a Comment