BILANG NG NAGUGUTOM NA PINOY NABAWASAN

(CHRISTIAN DALE)

KAUNTI na lamang ang bilang ng pamilyang Pilipino na nakaranas ng involuntary hunger sa second quarter ng 2022.

Ayon ito sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) survey, Linggo, Setyembre 12.

Ang nationwide survey ay isinagawa noong Hunyo 26 hanggang 29, sa 1,500 respondents kung saan lumabas na 11.6% ng pamilya Pilipino o 2.9 milyong pamilya ang nakaranas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.

“This is lower than the 12.2 percent or 3.1 million families that felt involuntary hunger in the April 2022 survey, and 0.2 points below the 11.2 percent or 3 million households in the December 2021 survey,” ayon sa SWS.

Magkagayon man, sinabi ng SWS, “the latest figure is still 2.3 points above the pre-pandemic annual average of 9.3 percent in 2019.”

“Hunger eases in Metro Manila, Visayas; rises in Mindanao, Balance Luzon,” ayon pa sa survey firm.

Tinukoy pa ng SWS na ang karanasan ng pagkagutom ay mataas sa Kalakhang Maynila na may 14.7% ng pamilyang Pilipino, sumunod ang Mindanao na may 14% Balance Luzon o Luzon sa labas ng Kalakhang Maynila na may 11.9% at Visayas na may 5.7%.

“The 0.6-point decline in overall hunger between April 2022 and June 2022 is due to declines in Metro Manila and the Visayas, combined with increases in Mindanao and Balance Luzon,” ayon pa rin sa SWS.

Idagdag pa, sinabi ng SWS na ang 11.6% hunger rate nito lamang June 2022 ay kabuuan ng 9.4 % o 2.4 milyong pamilya na nakaranas ng “moderate hunger” at 2.1% ng 546,000 pamilya na nakaranas ng “severe hunger.”

Ang Moderate Hunger ay tumutukoy sa mga nakararanas ng pagkagutom, “only once” or “a few times” sa nakalipas na tatlong buwan habang ang severe hunger ay tumutukoy naman sa mga taong nakararanas ng pagkagutom ng madalas o palagi sa nakalipas na tatlong buwan.

236

Related posts

Leave a Comment