BILANG NG PINOY NA MAGINHAWA ANG BUHAY TUMAAS

ginhawa12

(NI MAC CABREROS)

GUMANDA o umaliwalas ang buhay ng mga Pinoy,  iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, base sa datos ng National Economic Development Authority (NEDA), bumaba ng 21 porsyento ng poverty incidence noong 2018 kumpara sa 27.6 porsyento noong 2015.

“Over the course of three years, we can see that poverty decreased substantially—down by 6.6 percentage points,” pahayag NEDA Undersecretary Adoracion Navarro.

Binanggit nito na aabot sa 23.1 milyong Pinoy ang nagkaroon ng trabaho at nakalipas sa poverty threshold sa unang bahagdan o semester ng nakalipas na taon.

Ayon PSA, hindi bababa sa P10,481 ang kita ng isang pamilya para matustusan ang kanilang pangangailangan.

“ Pag below doon, iyon ang masasabing nasa poverty. Hindi namin sinasabi na porke’t may P10,000 ka eh hindi ka na mahirap. Pero kumakain ka. Nabili mo ‘yung basic food mo,” pahayag PSA Asec. Josie Perez.

“Kung meron sila doon sa poverty threshold nila, kaya nilang mabili ‘yung kailangan nilang food at kaya din nilang mabili ‘yung other non-food necessities,” dagdag Perez.

Binigyan-diin nito na magkakaiba ang pamantayan ng kahirapan kada rehiyon at dito nagkakaroon ng kalituhan.

“Kaya doon nagkakaroon ng confusion ang media,” saad Perez.

“The perception of the quality of life differs from one another. We really need to have a national average poverty threshold so that we can measure all Filipinos against a one standard and we can also have a clearer picture, if on the average, our programs are succeeding or not,” dagdag ni Perez.

 

112

Related posts

Leave a Comment