REKLAMO SA ANTI-CYBER CRIME TUMAAS NG 100%

cyber12

(NI JG TUMBADO)

INIULAT ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP), tumaas ng 100%  ang nagrereklamo laban sa anti-cybercrime kung saan ang ‘online libel’ ang pinakamaraming reklamong natanggap.

Sa datos na nakalap, sa 4,103 bilang na mga kaso na iniimbestigahan ng PNP-ACG noong 2018, 1,041 dito ay online libel.

Ito umano ang katulad ng pagmumura, paninirang puri na ginawa sa pamamagitan sa social media katulad ng Facebook at Twitter.
Habang pumangalawa naman sa listahan ang online scam na 1, 012.

Sakop naman nito ang panloloko sa mga indibidwal na nanghihikayat na mamuhunan sa isang negosyo kapalit nang pangako tutubo ng malaki o dodoble ang kanilang puhunan.

Ikatlo sa may pinakaraming kaso ang pagpapakalat ng malalaswang larawan at video para magamit sa pangingikil.
Ikaapat ang ‘identity theft’ o pagnakaw ng mga impormasyon online para makapanloko;
At ikalima ang ‘online threat’ o mga kaso nang may nakaalitan online na nagkaroon ng seryosong banta sa kanilang buhay.

Samantala, base rin sa datos, lumalabas na tumaas ng halos 100 porsyento ang mga kaso na hinahawakan ngayon ng Anti-Cybercrime Group.

 

152

Related posts

Leave a Comment