Binisto ni Banat By VLOGGER NA SI TP, TANSO!

UMUSOK ang social media sa dami ng reaksyon matapos bakbakan ng vlogger na si Banat By ang kapwa vlogger na si RJ Nieto o Thinking Pinoy (TP).

Pinatutsadahan din ni Banat By o Byron Cristobal si TP at followers nito na tanso o napeke.

Sa kanyang mahigit dalawang oras na vlog, ibinisto ni Banat By na hindi lang minsan nag-ambisyon si TP na magkaroon ng pwesto sa gobyerno.

Tila sinusugan nito ang pahayag ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez na nag-aplay bilang political adviser ng Marcos Jr. admin si Thinking Pinoy ngunit hindi ito nakapasa dahil walang ‘K’.

Kwento ni Banat By, noong Duterte administration ay usap-usapan na rin na unang pinuntirya ni TP ang magkaposisyon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito raw ang dahilan kaya panay ang yakap noon ni TP kay Alan Cayetano na siyang kalihim ng DFA nang mga panahon iyon.

Sa kabila ng mga ‘paglalambing’ at pagdikit kay Cayetano, nabigong makasungkit ng pwesto si TP kaya naman sa galit umano nito ay halos araw-araw nitong binanatan sa kanyang vlog ang dating kalihim.

Bukod dito, lumapit din daw si TP kay noo’y Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar sa pag-asang magkaroon ng posisyon sa nasabing tanggapan.

Gayunman, si Mocha Uson ang naipuwesto at hindi siya. Naging dahilan din aniya ito para laitin ni TP si Mocha at sinabihang mahina ang utak.

Patutsada pa ni Banat By, ang lakas ng loob ni TP na laitin si Mocha gayung tapos ito ng kolehiyo samantalang siya ay hindi.

Hindi rin pinalampas ni Banat By na himayin ang mga sagot ni Atty. Vic Rodriguez sa vlog ni TP na nag-aakusa sa dating Executive Secretary na nasa likod ng mga negatibong balita tungkol sa Malacanang, kabilang na ang umugong na pagbibitiw ni ES Lucas Bersamin.

Inakusahan din niya si Rodriguez na parte ng pahayagang SAKSI Ngayon na malaking kasinungalingan.

Bago pa man sumapit ang panahon ng kampanya noong 2022 elections ay nagpaalam na sa pahayagang ito si Rodriguez at maging ang iba pang mga opisyal ng SAKSI Ngayon.

Bilang tugon sa atake ni TP, nag-post sa kanyang official Facebook page si Atty. Rodriguez na nagsasaad na: “To this self-designated attack dog who wanted to become “The Political Adviser”, do not take it too personally. I am not sorry if you think I have caused your non-appointment to your coveted post during my time, for you simply do not have the wisdom and maturity, more so the gravitas, for such a crucial role.

My unsolicited advice is for you to include the painstaking task of research and make your vlogs credible by refraining from using pure speculations as your source. And address issues that affect our people and help in nation-building, instead of resorting to personal attacks.

I have no intention of rejoining the Administration for reasons which I am prepared to stand alone for.”

Sinakyan naman ng iba pang vloggers ang isyu kaya samu’t sari ang reaksyon ng netizens na mapapansing marami ang naiinis kay TP.

Sa paghimay pa ni Banat By sa reaksyon ni Atty. Rodriguez, pinatutsadahan nito si TP na wala nang wisdom, immature pa.

Inilarawan din niya si dating ES Rodriguez na isang opisyal na hindi mahilig sa publicity, hindi maingay tulad ng iba, hindi maepal, at tahimik na nagtatrabaho.

Subalit nabiktima aniya ito ng laglagan sa Malacañang bunga ng paninira.

Dagdag pa niya, pinakatapat na kawal ni Pangulong Bongbong Marcos si Rodriguez na kasama na nito noon pa man.

Wala pa aniya ang lahat ng amuyong ng mag-asawang Marcos ay naroon na si Rodriguez ngunit inintriga ito ng isang vlogger.

Narito naman ang mga komento ng ilang netizens patungkol kay Thinking Pinoy:

Hardy Caligtan:
Di umano’ hnd lang bahu..Pati na rin kawalang pundasyun ng pag vlovlog at pagiging sanggano. Dahil umano hnd para sa interest ng tao ang lumalabas sa bunganga bagkus sariling interest.

Divina Isabel:
Nag alaga ng halaman si attorney pero uud at ahas ang umani sa itinanim ni attorney

Elierine Ganata:
Stress talaga, dahil kahit anong paliwanag niya wala ng maniniwala sa taong pinagbili ang prinsipyo sa pera, especially, saan naggagaling ang pera sa pag-aaral niya sa London, pa travel travel back and forth, yong bahay na may pool at sasakyan? eh wala naman siyang stable na trabaho kundi mag-vlog paminsan minsan at higit sa lahat hindi naman siya sikat!!!!

Edsel Arisgado:
Kailangan nyang depensahan Ang nag papaaral sa kanya at nag bibigay allowance

Arnil Contridas:
Nabulabog si Tangang Pinoy Sir Banat By akala kasi nya di magsalita si Vic

Susan Claudio:
Si Tp pinaka makapal na mukhang baboy.

Michelle Malasarte Zamora:
kahol na kahol ung aso ni FL lisa

50

Related posts

Leave a Comment