BIR NAGPASAKLOLO SA PAGCOR

bir18

(NI LILIBETH JULIAN)

NAGPASAKLOLO na sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang Bureau of Internal and Revenue (BIR) para matukoy ang bilang ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa bansa sa ilalim ng industriya ng online gaming.

Ito ay layong matiyak na nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno ang mga dayuhang manggagawa maging ang mga operator ng online gaming company.

Sa ulat na isinumite ng BIR kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, sinabi nito na kabilang sa BIR sa inter agency task force at nais nitong magampanan nang tama ang kanilang mandato para sa partikular na tungkulin.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, naglabas na ng isang revenue memorandum circular ang BIR para rito.

 

138

Related posts

Leave a Comment