BINTANG NI TRILLANES AYAW PATULAN NG PALASYO

duterte18

(NI LILIBETH JULIAN)

AYAW nang patulan ng Malacanang ang panibagong hirit ni Senator Antonio Trianes IV na nagsabing nagpa medical checkup sa HongKong si Pangulong Rodrigo Duterte nitong weekend.

Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na umiral na naman ang imahinasyon ni Trillanes.

Iginiit ni Panelo na walang maitatago sa byahe at aktibidad ng Pangulo sa HongKong dahil sa dami ng mga Filipino na naroroon.

“Sa dami ng mga Pinoy sa HongKong imposible naman hindi siya makilala o makita kung papasok sa ospital,” giit ni Panelo.

Ayon kay Panelo, purely rest and recreation ang pagpunta sa HongKong ng Pangulo kasama ang kanyang common-law wife na si Honeylet Avancena na nag celebrate ng kaarawan at ang anak na si Kitty.

Binigyan-diin ni Panelo na bihira ang nasabing pagkakataon na nakapag papahinga ang  Pangulo kasama ang kanyang pamilya.

Sinabi rin na mas gusto ng Pangulo magpunta sa HongKong dahil malapit lamang ito at hindi masyadong matagal ang byahe.

Una nang sinabi ni Trillanes sa kanyang twitter account na hindi ito naniniwalang namasyal lamang ang Pangulo sa HongKong kungdi ay posibleng nagpagamot ito.

 

3

Related posts

Leave a Comment